Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 17



Kabanata 17

Naulanan si Madeline ng malalamig na pamimintang mula sa lalaki, at para bang isang malaking biro

ang lahat.

“Hindi ba alam mo namang ganyan talaga ako, Mr. Whitman?”

Lalong nagalit si Jeremy sa sagot ni Madeline. Inangat niya nang marahas ang baba nito at tinignan ito

nang masama gamit ang kanyang mga itim na mata.

“Nagpunta ka pala para hanapin ang dati mong nobyo, hmm?”

‘Dating nobyo? Si Daniel siguro ang tinutukoy niya.’

Magkaklase si Jeremy at Daniel. Dalawang taon na mas matanda ito sa kanya at seniors niya sila.

Nang umamin si Daniel kay Madeline noong graduation ceremony, inakala ng lahat na nagdedate na

sila pagkatapos no’n.

Hindi alam ni Madeline na pinaniwalaan rin ni Jeremy ang mga sabi-sabing iyon.

“Madeline, sinasabi ko s aiyo, kahit paalisin kita sa buhay ko, hindi ka makakapunta sa ibang lalaki.

Gusto kong makita kung sino ang mangangahas na pulutin ang basurang tinapon ko na dati!”

Basura. Text content © NôvelDrama.Org.

Nilalarawan siya ng lalaking ito gamit ang mga gano’ng salita.

Nananakit ang puso ni Madeline. Tinulak niya ang lalaki ng buong pwersa na hindi niya inakalang

mayroon siya.

“Jeremy, hindi porket ayaw mo sa kasal nito at may iba ka ay ganoon rin ako! Isang lalaki lang ang

mayroon ako at ikaw lang ‘yun! Hindi mo lang ako pinahiya sa mga salita mo pati na rin ang sarili mo!”

Pagkatapos itong sabihin, agad na tumakbo si Madeline sa kanyang kwarto.

Sa kabilang banda, nakatayo lamang si Jeremy roon; ang agwat sa kanyang mga braso ay tila ba

nakapagpatulala sa kanya. Inangat niya ang kanyang ulo para tignan ang likod ni Madeline at

napasimangot nang kaunti. Tumama ang liwanag ng buwan sa kanyang mukha at kitang hindi

maipaliwanag ang kanyang ekspresyon.

Nagpunta si Madeline sa trabaho gaya ng nakasanayan. Subalit, sa pagkakataong pumasok siya sa

opisina, pinatawag siya sa human resources department.

Binigyan siya ng manager niya ng isang resignation letter, at nalito si Madeline. Ganoon pa man,

malamig nitong sinabi, “Hindi kami tumatanggap ng isang magnanakaw.”

Naunawaan n ani Madeline ang resulta ng video niya na kumalat online.

May ebidensya sana para patunayang inosente siya. Subalit, inalis iyon ni Jeremy.

Ngayon, isa na lamang siyang walang hiyang magnanakaw sa mga mata ng lahat.

Galit si Madeline sa sitwasyong ito. Subalit, wala naman siyang magagawa.

Sa Glendale, mangyayari ang lahat ng gusto ni Jeremy ayon sa buka ng kanyang bibig.

Ganoon pa man, hindi siya nito tutulungan. Gusto pa nga nitong maglaho na lang siya habambuhay.

Dinala ni Madeline ang kanyang resume sa iba pang mga company interviews, subalit agad siyang

tinanggihan nito nang walang alinlangan.

Dagdag pa roon, hindi niya alam kung imahinasyon lang, pero masama ang kanyang pakiramdam.

Bawat minuto, tila ba nakakaramdam siya ng sakit mula sa tiyan.

Nag-aalala si Madeline para sa kanyang anak, kaya nagtungo siya sa hospital upang magpa-checkup.

Maraming tao ang naroroon. Habang naghihintay ng resulta, nakatitig si Madeline sa mga babaeng

buntis na kasama ang kanilang mga asawa at tila ba kinakabahan.

Hindi siya nangahas na magpantasya na makakasama niya sa maternity check up si Jeremy kahit

kailan.

Talagang imposible ang bagay na iyon.

“Oh? Si Maddie pala ito,” biglaang narinig niya ang boses ni Meredith.

Inangat ni Madeline ang kanyang ulo at nakitang nakasuot ng maluwag na damit si Meredith. Nakangiti

ito nang banayad.

“Andito ka rin para sa maternity checkup mo? Hindi mo ba kasama si Jeremy?”

Nakangiti si Meredith. Mukha siyang walang dalang pahamak at tila ba isang napakabuting tao.

Nakaramdam ng sakit si Madeline sa kanyang puso, subalit ayaw niyang ipakita ang kanyang

kahinaan. “Hindi mo rin kasama si Jeremy ngayon. Malalaman niya ring hindi niya anak ang nasa

sinapupunan mo.”

Agad na nagbago ang mukha ni Meredith at tila ba nalungkot ito. Subalit, sa isang kurap ng mata,

napangiti siya at natuwa habang sinabing, “Oh, si Jeremy ba? Tinutulungan niya akong kunin ang

results ko ngayon.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.