Her Name Is Monique

CHAPTER 4: Zairin Department



(Patty)

Naririto ako ngayon sa harap ng University. nakatingala sa mataas na gate at nakatunghay sa matatayog na building. First day ng klase ngayon. Huminga ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan sa gate.

Ang dami ko ng estudyanteng nakikita ngayon kumpara last week noong enrollment, at masasabi kong tama nga ang hinala ko puro mayayaman ang mga nag-aaral dito. Kitang kita ang kasosyalan at karangyaan sa bawat kasuotan at kilos nila hindi na nakapagtataka iyon dahil sa napakalaki ng University na 'to.

Lahat sila mga naka-uniform na, ako na lang ang hindi dahil ngayon ko pa lang makukuha ang uniform ko.

Kada estudyante iba-iba ang disenyo ng nakatatak sa uniform at kulay nito. Iyon ang napansin ko. Ang sabi sa orientation sa aming mga transfered student, kada kulay at disenyo ng uniform ay sumisimbolo sa kung ano ang magiging department namin.

"Ano kaya ang kulay at design ng magiging uniform ko?" Na-excite ako bigla. Pero naglaho din agad iyon. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa'kin.

Parang ang bigat ng mga paa ko, ang hirap ihakbang. Para akong timang na lingon ng lingon sa kung saan. 'Napaparanoid na ako. Hindi naman niya ako makikilala diba?'

Tumayo ako ng tuwid at naglakad ng maayos dahil pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito. Sino ba naman ang hindi mapapatingin, may payuko-yuko pa ako at may patakip-takip pa ng mukha. Sino ang hindi ma-we-weirduhan sa ikinikilos ko lalo na at bago lang ako dito. Umayos ako ng tayo dahil mukha na akong timang dito.

Inaalala ko ang nakasama kong lalake sa music room baka makita niya ako. 'Hindi ka niya makikilala Patty kaya huwag kang praning.' Dahan-dahan akong naglakad ng maayos at kunwaring walang nangyare. 'Nakakahiya!'

"Who is she?"

"I guess she's a transferee student cause she's not wearing uniform."Content from NôvelDr(a)ma.Org.

"Yeah! I guess so."

"But look at her clothes. It's weird!"

"She looks like a boyish or something."

Sabi ng mga ito saka tumawa.

Bigla binilisan ko ang paglalakad dahil sa sobrang pagkapahiya. Pinag-uusapan na tuloy nila ako. Kaya pala feeling ko may nakatingin sa'kin halos lahat pala ng estudyante dito nakatingin sa'kin. Huminto ako sa harapan ng isang building.

"Arts Department?" Nangunot ang noo ko. "Mali ba ang pinuntahan ko? Alam ko dito ang direction ng course ko." Nilibot ko ang tingin sa paligid. Natampal ko na lang ang aking noo. Naligaw na naman ako. 'Ang bobo ko talaga sa direction kahit kailan.'

Dahil sa pagmamadali hindi ko na napansin ang dinadaanan ko. Halos magkakapareho kasi ang bawat building dito.

"Anong saysay ng paglilibot ko last week kung maliligaw lang din ako ngayon." Napabuntong hininga na lang ako habang naisipan na kunin ang map na binigay sa'min noong orientation sa bag pack ko. 'Correction hindi ako naglibot, nanatili ako sa music room.'

"Bakit naman kasi ang laki ng University na ito? Kailangan ko pa tuloy gumamit ng mapa."

Umupo ako sa isa sa mga bench sa harap ng Department of Arts at doon ko sinimulang pag-aralan ang mapa.

"Sa kanan dapat ako lumiko mula pagpasok sa gate hindi sa kaliwa." napapalatak na turan ko. "Ang engot ko talaga. Kung anu-ano kasi ang ginagawa ko kanina nagkamali tuloy ako ng daang dinaanan," napakamot na lang ako sa ulo habang nakasimangot. "Ang layo tuloy ng lalakarin ko pabalik at makikita na naman ako no'ng mga english speaking keme na mga pabebe girls na 'yon," inis na wika ko.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad sa kanang direction kung saan naroroon ang department ng course ko.

"Hindi ko na lang sila papansinin."

Habang naglalakad ako bawat makasalubong ko na estudyante kakaiba ang tingin sa'kin. Para bang ang tingin nila sa'kin ay out of this world or an alien. 'Yong iba nakikita ko pang tumatawa at nagbubulungan. "Weird ba ang suot ko?" pinasadahan ko ang suot ko ngayon. Narinig ko kasi na may nagsabi na ang weird ng suot kong damit.

Isang oversized black T-shirt ang suot ko na may tatak na minions sa pinakagitna pero hindi naman kalakihan ito. Maong pantalon at rubber shoes naman sa pang baba. Habang ang suot kung bag ay Jansport backpack. "Okay naman ang suot ko. Wala namang dumi. Bakit kaya sila ganoon makatingin sa'kin?"

Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang suot kong cap. Nalaglag ang itinaas kong mahaba, alon-alon at itim na itim kong buhok sa aking likod na hanggang beywang at tuluyang nailugay ito habang nililipad ng hangin. Hinabol ko ang patuloy na pagulong-gulong ng aking sumbrebro sa damuhan ng sa wakas huminto na ang hangin. Yumuko ako para damputin ito ngunit may naunang kamay ang nakakuha nito.

Tumingala ako para makita kung sino siya. Napakunot-noo ako.

'He looks familiar.'

Tumayo na ako ng maayos at tinitigan ko ang mukha niya. May pakiramdam ako na nakita ko na ang lalakeng ito noon pero hindi ko maalala kung saan at kailan. Mahabang minuto ang lumipas pero ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay nakatitig lang sa'kin.

'Parang ang lalim ng iniisip niya.'

Hindi ko tuloy alam kung kukunin ko na ba 'yong sumbrero ko sa kanya o hintayin ko na lang na ibalik niya sa'kin? Ang weird naman kung aagawin ko diba.

Nakakailang ang paraan ng pagtitig niya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan na hindi ko alam.

"Here," abot niya sa sumbrero ko. Sa wakas binigay na nito. Nawala na ang seryosong expression niya kanina at napalitan na iyon ng matamis na ngiti habang nakatingin sa'kin. "Salamat," sabi ko naman sa kanya bago kinuha ang sumbrero ko.

"Mas okay kung hindi mo itatago ang ganyan kaganda mong buhok sa sumbrero na 'yan," nakangiti pa ring sabi niya sa'kin. "Mukha kang barbie, ang cute mo."

Namula ako bigla dahil sa sinabi niya. Yumuko ako para maitago ang pamumula ng mukha ko.

"By the way I'm Renz Santiago Dela Vega and you are?" nakalahad ang kamay na pagpapakilala nito sa'kin.

'Renz? Dela Vega? Sounds familiar. Saan ko ba narinig 'yon?'

"Patty Salvador," sagot ko na lang at nahihiyang tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Nice to meet you...... Patty."

"N-nice to meet you din," medyo utal na sagot ko naman sa kanya na hindi pa rin makatingin ng diretcho sa mga mata nito.

Iniisip ko pa rin kung saan ko ba siya nakita.

"Your a transferee student right?"

"Oo eh," medyo nahihiyang sagot ko.

"Sayang gusto sana kita i-tour sa loob nitong campus but I have something important to do."

"Okay lang Mr. Dela Vega---."

"Renz na lang itawag mo sa'kin," nakangiting putol nito sa iba ko pang sasabihin.

"Magkaibigan naman na tayo diba?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

'Magkaibigan? Kami?'

Nawala ang ano pa mang pagkailang ko sa kanya dahil doon. Siya ang kauna-unahang tao na hindi ako tiningnan na para bang hindi ako bagay dito. "Friends?" tanong niya sa'kin habang nakalahad ang kanang kamay.

"Friends."

Masaya ko itong tinanggap at ubod ng tamis na nginitian siya.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa ginawa ko pero maya-maya lamang napalitan na rin iyon ng ngiti.

'Ang gaan sa feeling. Pakiramdam ko talaga nagkita na kami noon.'

"Una na ako sayo Patty. See you na lang next time."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Oo, ingat ka."

Malayo-layo na ito ng lumingon muli sa'kin. Itinaas nito ang kanang kamay at nag-wave habang nakangiti.

Ang saya. Hindi naman pala lahat ng students dito ay may attitude.

Malayo na si Renz ng maalala ko kung saan ko siya nakita. Sa isang top magazine.

Natutop ko ang aking bibig dahil sa shock.

"The Dela Vega's second son. Ang pangalawa sa pinaka-mayamang pamilya dito sa Pilipinas."

Kilala ang pamilya nila dahil sa mga magagandang design's ng bahay lalo na ng mga buildings na halos ang ama at kapatid nito ang nagdisenyo. Nangunguna din ang business nila about beauty products na ang mama naman nito ang on hand sa pagpapalago. Marami pa silang business na halos lahat na yata sila ang humahawak.

Nanlaki ang mga mata ko sa narealize.

"Bakit hindi ko agad siya nakilala? Sayang nagpa-autograph sana ako or pa-picture man lang. Tapos i-ing-gitin ko si manang Lucy. Na sobra ang paghanga sa pamilya Dela Vega," sobrang panghihinayang ang nararamdaman ko habang nakatanaw na papalayong si Renz.

Napalatak na lang ako. 'Sayang.'

Nanghihinayang na naglakad na ako papunta sa building kung saan naroon ang department ko.

'Siguro ito na 'yon.'

Huminto ako sa tapat ng malaking building at nakita ang malaking nakasulat doon.

"Architecture Building. Ito na nga 'yon." Masaya akong pumasok sa pinto. Ang buong building na ito ay puro sa mga architect students lamang.

"Isa na lang ang hahanapin ko. Nasaan na kaya 'yon?"

Tiningnan ko ulit ang ibinigay na papel sa amin na naglalaman ng schedules namin maging kung saang department kami papasok.

"Department of..... Zairin? Parang ang weird naman ng pangalan ng magiging department ko."

Marami akong nadaanan na department pero wala ang hinahanap ko. Nagtataka lang ako kasi puro lalake ang nasa building na 'to. "Sabagay mga nasa loob lang siguro ng room ang mga girls architect dito." Napangiti na lang ako sa iniisip.

Excited na kasi akong may maging kaibigan na tulad kong babae na pangarap din maging isang architect someday.

Sa dating University kasi na pinapasukan ko halos lahat ng classmates ko na babae naging ka-close ko. Anim kaming babae sa department namin doon sa dating pinapasukan ko. Bigla namiss ko sila.

Nailang na naman ako kasi para bang naligaw na pusa ang tingin ng mga tao sa'kin dito. Siguro dahil suot ko na naman ang cap ko or dahil pa rin sa suot ko na tingin nila kakaiba.

Ayoko lang ilugay ang buhok ko ngayon kasi sobrang init. Ayoko rin naman na pagupitan ito dahil magtatampo ang mommy. Sobrang alaga niya ang buhok ko kasi mukha daw akong manika, isang barbie. Ang ganda-ganda daw ng buhok ko. 'At baka makilala ako no'ng lalakeng nakasama ko sa music room.'

Isa pa 'yon sa nangungunang dahilan kung bakit ayoko maglugay ng buhok.

Nakalugay kasi ang buhok ko noong makasama ko siya. Baka lang matandaan niya ako dahil sa buhok ko.

Ilang sandali pa nasa tapat na ako ng department na hinahanap ko. Totoo nga Zairin nga ang pangalan ng department ko. Nasa 3rd floor ito at pinakadulo pa, kaya naman ang hirap hanapin.

'Ang weird, para itong pangalan ng basketball team.'

Natawa na lang ako sa iniisip na kalokohan.

Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng paghawak ko sa doorknob ay may nakasabay ako sa paghawak nito. Napalingon ako sa taong katabi ko na ngayo'y nakatingin na rin sa'kin. Hindi ko man lang namalayan na may katabi na ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at mabilis na inalis ang kamay na nakahawak sa kamay ng lalakeng katabi ko.

Imbis kasi na sa doorknob ako nakahawak, sa kamay niya ako napahawak dahil halos magkasabay kami.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Yung amoy niya. Parang pamilyar.'

Napatitig ako sa mukha niya.

'Ang gwapo naman ng lalaking 'to.' Namumulang ako'y napayuko.

'Magtigil ka Patty,' saway ko sa aking sarili. 'Bakit iyon agad ang napansin ko? Kapansin-pansin naman talaga, kasi ang gwapo niya naman sobra.'

"A-Ah si-sige ikaw na ma-maunang pumasok," kanda-utal pa na sabi ko sa kanya na bahagyang nakayuko pa rin.

'Arggg! Bakit ba ako nauutal? Umayos ka Patty. Kalma lang, kalma.'

"Well, sige una na 'ko sa'yo." kibit-balikat na sagot lang niya sa'kin.

Nai-angat ko bigla ang ulo ko sa narinig na boses niya.

"Yong boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yong lalake na nakasama ko sa music room. Kaya pala pamilyar 'yung amoy niya, 'yung bango niya.'

Dahil sa naisip naramdaman kong nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko. Maging ang tibok na naramdaman ko noon sa loob ng music room bumalik ngayon. Nakailang hakbang ako paurong para dumistansiya sa kanya. Kung ako natandaan ang amoy niya baka ganoon din siya hindi imposibleng mangyare 'yon dahil sa sobrang lapit namin noon sa isa't isa.

Lumingon ulit siya sa gawi ko at tiningnan niya ako ng may pagtataka. Baka na-weirduhan siya sa ginawa ko.

Ginawa ko lamang naman iyon dahil ayokong maamoy niya ako. Baka makilala niya ako. I wore the same perfume that I used that day. 'Perfume? Amoy mandirigma nga ako no'ng araw na 'yun. Nakakahiya!'

Nakailang hakbang pa ako paatras dahil sa naisip. Baka amoy mandirigma na naman ako ngayon dahil pinagpawisan na ako kanina.

'Ang gwapo pala sobra ng lalakeng nakasama ko sa music room. Tapos ang bango pa. Ang lalakeng nakakuha ng first kiss ko.'

Hindi na mapakali ang puso ko. Bumilis bigla ang tibok nito at ramdam kong pulang-pula na naman ang mukha ko.

'Ano na naman 'to? Kumalma ka puso, please lang. Ihahagis kita sa labas.'

Unti-unti inangat ko muli ang ulo ko dahil sa pag-aakalang pumasok na iyong lalake pero wrong move nakita kong titig na titig siya sa'kin. Kinabahan ako bigla sa uri ng tingin niya sa'kin. Nakakunot-noo itong nakatingin sa'kin habang nakahawak pa rin sa doorknob.

'Bakit? Nakilala kaya niya ako? Kinabahan ako.'

Bago siya tuluyang pumasok pinakatitigan niya ako at sobrang naiilang ako sa ginagawa niya kaya naman nilihis ko ang tingin sa kanya. I still can feel his stare thru me kahit hindi ko na siya nakikita. Halos pigilan ko ang hininga ko sa paraan ng pagtitig niya.

Bigla sininok ako. Nag-panic ako kaya naman tumakbo ako kaagad paalis sa harapan niya. Huminto ako sa alam kong hindi na niya ako makikita dito sa gilid ng hallway.

"Bakit ako sininok? Nakita kaya niya? Narinig ba niya ang sinok ko?" Magkasalubong ang kilay na parang baliw na tanong ko sa sarili habang kinakagat-kagat ang mga kuko sa hinliliit.

"At bakit ako tumakbo? Ano ba 'yan Patty. Bakit ngayon ka pa nagkakaganyan?" Sermon ko sa sarili habang tinatapik ang sariling noo.

Naghintay ako ng ilang minuto pa bago ako marahang sumilip sa gilid ng pader. Tinitingnan ko kung nasa labas pa siya.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng sakto nakita ko siyang pumasok na sa loob ng room.

Maya-maya lamang bumalik na ako sa pinasukang pinto no'ng lalake.

"Teka? Ka-departmet ko siya?" Shock na nasambit ko habang nakatitig sa pintong pinasukan ng binata.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapag-disisyunan kung papasok sa loob o hindi na lang dahil kinakabahan talaga ako.

'Ibig sabihin magiging classmate ko siya? Architectural din kinuha niyang course?'

Lalo parang mahihirapan akong huminga dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"Pwede pa kaya magpalipat ng department?" Naiiyak na ako sa frustration na nararamdaman ko.

'Paano kung nakilala niya ako tulad ko sa kanya dahil sa amoy niya? Tapos sininok pa ako kanina sa harapan niya. Sana hindi. Sana hindi talaga. Ang malas ko naman.'

Pero may bahagi ng puso ko na gustong makilala niya ako sa pamamagitan ng amoy, tulad ko sa kanya.

'Nababaliw na nga ako. Amoy ano? Mandirigma? No way!'


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.