Chapter 56:Kahibangan
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.
Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya.
"Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.
Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din ito sa kaniya at laging wala na ito pagkagising niya. Matutulog na sana siya nang tumunog ang door bell. Naisip na marahil ay nakalimutan ng amo ang susi nito. Nagsuot muna siya ng malaking damit at mahabang pajama pang-ibaba bago lumabas.
"How are you?" Nakangiting mukha ni Troy ang bumungad sa kanya.
"Still alive and kicking." Pabiro niyang sagot sa binata. Pinaramdam niya rito na nagtatampo siya sa mga ito dahil ngayon lang nagpakita sa kanya gayong iisang building lang ang tinitirhan nila.
"Sorry, we're so busy these days. Besides, Khalid is so stubborn and I don't want to be in trouble again between us." Mahabang paliwanag ni Troy nang maramdaman na nagtatampo sa kaniya ang bakla.
Nakalabi na tumango na lamang si Gerlie. Hanggang ngayon ay walang linaw sa kanya kung ano ba talaga ang ikinagalit noon ni Khalid at bakit nag-away ang dalawa. Basta ang sabi ng lalaki ay huwag daw siyang mag-alala at kaisipin ang nangyari dahil kaunting misunderstanding lang daw iyon sa magkakaibigan.
"He will probably be home late tonight, I saw him go out with Joy." Nanunuri ang tingin ni Troy sa bakla habang nagkukuwento dito tungkol sa nagbubulag-bulagan niyang kaibigan.
Ilang araw na rin na kinakausap niya ang kaibigan ukol sa kung ano ang gumugulo sa isip nito. Naiintindihan niya kung bakit naging tuliro ito nitong mga araw kahit nagkaayos na sila. Ayaw man nitong aminin pero alam niyang umiibig na ang kaibigan at hindi matanggap dahil tumibok iyon sa maling tao.
Umasim bigla ang aura ng mukha ni Gerlie, sa narinig. "Kaya ba hindi na niya ako isinasama at halos hindi na kinakausap dahil may Joy na siya?" masama ang loob na tanong niya sa kanyang sarili. Katangahan mang isipin, pero umaasam siya na magkaroon ng especial na pagtingin sa kaniya ang binata.
"Ambisyosa ka, day, bakla ka sa paningin niya. Mahiya ka sa balat mo upang isipin na magkagusto ang isang guwapo, macho at tanyag na negosyante sa isang katulad mo at bakla pa sa paningin nito." Sarkastikong sundot ng kanyang kunsensya sa kinakalawang na niyang isip.
Lihim na napangiti si Troy sa sarili nang makita ang dumaang selos sa mga mata ng huli nang banggitin niya ang pangalan ni Joy.
"Do you know that will go back to the Philippines next week?" pag-iiba ni Troy sa paksa nang hindi na muli nagsalita ang kausap.
"Really?" Biglang sumigla ang pakiramdam ni Gerlie. Isang buwan na rin mahigit siyang napawalay sa kapatid at bigla niya itong na-miss.
"Yes, do you know about Zoe and his wife?
Tumango si Gerlie at tanda niya si Zoe pero hindi pa ang asawa nito.
"They're getting married!"
"Wow, I heard about their story and it was awesome!" hindi napigilan na maibulalas habang malapad ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi.
"Yours will be more interesting." Makahulogang kumento ng binata na ikinapatda ng dalaga.
"Huh?" nagugulohan niyang tanong sa binata.
"Can you do me a favor?"
"What is it?" bigla siyang kinabahan sa nakikitang kaseryosohan sa mukha ngayon ng kaharap.
"Can you give him a chance, even though he's hardheaded and stupid?"
Awang ang bibig at napatanga siya sa pakiusap ni Troy. Lalo lamang siya nagugulohan at nadagdagan ang mga inisip dahil hindi alam kung sino ang tinutukoy nito.
"I mean, Khalid. Can you give him a chance?"
Lalo lamang nalito ang dalaga sa tinuran nito muli. Bakit niya bibigyan ng chance si Khalid? Chance saan?
"How silly of me, both of you are in denial!" he chuckles while rubbing his forehead.
Natawa si Gerlie sa binata habang kinakamot ang ulo kahit na wala siyang naintindihan.noveldrama
Hinawakan ni Troy ang kamay ng kaharap. "If you need help, do not hesitate to come to me." Nakangiti na aniya dito upang mapawi ang agam-agam sa isipan ng huli. Matagal na siyang may hinala sa totoong kasarian nito bago pa niya natuklasan.
Lihim din siyang nagpaimbistiga sa buhay ni George para sa kanyang kaibigan mula nang mag-away sila. Kahapon ay kinulit niya si Mark, ito ang may hawak ng papers ng huli kaya alam niyang may alam ito. Napag-alaman niya na malaki ang pangangailangan ng dalaga kung kaya pinasok nito ang ganoong katauhan para lang magkaroon ng trabaho. Kinuwento niya rin kay Mark ang nangyayari sa kanilang manyak na kaibigan. Natawa ito at sumang-ayon siya sa sinabi nito na hayaang ang kanilang kaibigan ang makatuklas sa tunay na kasarian ng tutor nito. Bilang parusa umano sa pagiging mapaglaro nito sa mga babae. Ang ipinag-aala niya lang ay mukhang mas mauna na makaamoy si Xander sa tunay na kasarian ng babae. Ramdam niya rin na may special na pagtingin ang huli sa dalaga kahit bakla ito sa paningin nila.
"Do you know who I really am?" Kinakabahan na tanong niya sa binata nang mapansin na iba na ang tingin nito sa kaniya. Nakangiti na tumango ang binata bilang tugon sa kaniyang tanong. "Do I need to leave?" naiiyak na tanong niya muli dito.
"No," mabilis na sagot ni Troy upang pigilan ang dalaga. "I understand and no need to worry about me. But I'm worried about Khalid." Hindi nabawasan ang kabang nadarama ni Gerlie pagkarinig sa pangalan ng masungit niyang amo. "He's going to kill me, for sure!"
Napangiti si Troy at ginatungan ang maling inisip ng dalaga, "So do I, coz I hid your secret."
Lumiwanag ang aura ng mukha ng dalaga, "you'll keep it a secret?" umaasam na tanong niya sa binata. Napangiti siya nang tumango ito. "Thank you!" Hindi napigilan ang sarili na yakapin ang lalaki. "Oh.. great!"
Mabilis na binaklas ni Gerlie ang brasong nakayakap kay Troy nang marinig ang tinig ng kanyang amo na nasa bungad ngayon ng pintuan. Dumoble ang kabang nadarama sa nakikitang galit sa mga mata nito. Nagbabadya ng panganib ang tinging ipinukol nito kay Troy.
"I'm leaving, we're just talking about an important matter and he gave me a thank-you hug." Malumanay na paliwanag ni Troy sa kaibigan upang hindi nito mapag-initan ang dalaga lalo na at alam niyang nakainum ito.
Walang salitang namutawi mula sa bibig ng kaibigan. Naroon pa rin ang galit at selos sa mga mata nito habang nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Minabuti niyang iwan na lang ito at hayaan na mag-usap ang dalawa. "Don't be harsh on him." Seryoso niyang bilin bago tuloyang umalis.
Hindi alam ni Gerlie kung ano ang gagawin nang wala na si Troy. Dinadaga ang kanyang dibdib sa nakikitang hitsura ng amo. Tila dragon na handang magbuga ng apoy kapag nagkamali siya ng kilos. Yumuko siya at nilaro ang sarilinh daliri at nagdasal na sana ay lampasan lang siya nito at pumasok sa sariling silid nito.
"Naku po!" Katal ang tuhod na bulong niya sa kanyang sarili nang maramdaman na umupo ito sa kanyang tabi.
"Massage my head!"
Mando nito sa kanya. Kahit kinakabahan ay nag-angat siya ng ulo at humarap dito. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakapikit ito habang hinihilot ang sariling sintido nito. Napalitan ng awa ang kabang naramadaman niya kaya mabilis siyang tumayo at pumuwesto sa likuran ng sofa upang masahihin ang noo ng binata.
Biglang na relax ang katawan ng binata nang maramdaman ang malambot na palad ng bakla na nagmamasahe sa kanyang noo. Pigil ang sarili na hawakan ang kamay ni George upang maramdaman ang init ng palad nito. Ilang araw din niya itong tiniis at iniwasan sa pag-asam na mawala ang maling damdaming umuusbong para dito. Hindi matanggap ng kanyang isipan na magkaroon na espisyal na damdamin sa kanyang kauri sa kasarian. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya at muling nanumbalik sa isip kung ano ang napag-usapan nila ni Troy, tatlong araw na ang nakaraan.
"You love him, right?" kumpirma ni Troy sa kanyang damdamin.
"Is that a joke?" Tumatawa na sagot niya sa kaibigan. Mabuti na lang at wala si Xander, hindi siya komportable makipag-usap ng seryosohan sa isang iyon.
"It's obvious." Hindi patinag na pambubuko ni Troy sa kanyang damdamin para sa bakla niyang tutor.
Uniwas siya ng tingin sa kaibigan. "You're crazy!"
Lalo lamang siya naasar nang tumawa ng nakakaloko ang kaibigan. "C'mon, dude, don't fool yourself."
"I'm not!" mariin niyang kaila, "I have Joy, and our relationship is getting better now."
"I like George for you than Joy!"
"Are you out of your mind?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa kaibigan. Pinukol niya ito ng kakaibang tingin ngunit nanatili ang kaseryosohan sa mukha nito.
"I'm serious, why don't you give it a try?"
"You're crazy?" pumapalatak na ani ni Khalid at iniwan ang huli. Hindi niya hahayaang magmukhang kakatwa sa mga mata ng taong tumitingala sa kanya. Gusto niyang patunayan sa kaibigan na mali ito sa iniisip nito.
Siya na mismo ang nag-aya kay Joy na lumabas ngunit iyon din ang panibagong pagkadismaya niya sa kaniyang sarili. Tila sirang plaka sa kanyang taenga ang matinis na tinig ng bakla ang humahalili sa tinig ni Joy sa tuwing ito'y magsalita. Maging ang ngiti ng babae ay ngiti ng bakla ang kanyang naaaninag. Tama si Troy, niloloko lang niya ang kanyang sariling isip at damdamin.
Bigla siyang napamulat ng mga mata at bumalik sa kasalakuyan amg isipan pagkaalala sa kaibigan. Muling nanumbalik ang galit dahil naalala ang tagpo kanina. Hinuli niya ang kamay ni George at mahigpit na hinawakan iyon. "Do you know what you did to me?"
"Massage?" patanong din na sagot niya sa lalaki, pilit binabawi ang kamay na hawak nito ngunit lalo lamang nitong hinigpitan iyon.
Hindi pinansin ni Khalid ang sagot ng huli. "I've become stupid because of you!"
"Hala, ako na lang lagi ang sinisisi? Nakaka tanga ba talaga ang kabaklaan ko?" nakasimangot na tanong niya sa kanyang sarili.
"You're always in my mind!"
"Ano daw?" parang tanga na tanong niya muli sa kanyang sarili dahil tila na slow motion sa kanyang utak ang mga katagang binibitawan ng binata.
"I was fooling myself because of you!" patuloy ng binata kahit walang naririnig na katugon mula sa kausap.
"Pinapatay na yata ako nito sa isip niya!" malungkot na bulong ni Girlie sa sarili.
"Do you know what is the worst thing you did to me?"
"Ganito ba talaga epekto ng masahe ko sa kanya?" Wala sa sarili na ani muli ni Gerlie sa kanyang isipan.
"Answer me, damn it!" iritadong wika ng binata nang manatiling tahimik ang kausap.
"May damit pa naman ako, Si-" bigla niyang natutup ang sariling bibig upang pigilang mabigkas ang kahalayan ng isipan. Nagulat siya sa boses nito kung kaya kung ano na lang ang lumabas sa matabil niyang bibig.
"I mean, I'm confused, Sir Khalid! I'm innocent and didn't do anything to you. I just stay here the whole day, clean up and eat." Sige lang siya sa pagsasalita sa kung ano ang naisip upang may masabi lamang at hindi na magalit ang binata. Natigil lamang siya nang tumayo ang binata at humarap sa kanya habang hawak pa rin ang kanyang mga kamay.