Greek 1: The Alpha's Bride

Chapter 5: Kabanata 4



Chapter 5: Kabanata 4

Kabanata 4:

That Guy

___

Clarity

Pinapasaya mo siya Clarity.

Sino bang 'siya' ang tinutukoy ni tita?! Nakakainis na. Hindi manlang siya nagbigay ng clue kung sino

yung taong sinasabi niya. Close kaya kami non?

"Clary masama pa ba ang pakiramdam mo? Ikaw ba ang susundo kay Blake ngayon?"

"Opo tita. Dadalawin ko rin naman po kase si Kuya Kaleb sa sementeryo."

Nasabi ko na ba sa inyong may kapatid akong mas matanda pa sa akin? Well, he's Kaleb Fuentabella.

Naniniwala akong kapatid ko siya dahil naabutan ko siya kaso sa kasamaang palad ay bigla nalang

siyang nawala ng parang bula ng dumating ang ika-pito kong kaarawan. Fantastic.

Si Kuya Kaleb ay isang gwapong nilalang. Sa kanya naman siguro ako nagmana. Kung nabubuhay pa

siya ngayon 33 years old na siya. 28 kase ako ngayon at limang taon ang tanda niya sa akin. Mahal na

mahal ko si Kuya Kaleb pero hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Hindi manlang siya nagbigay ng

false alarm. False Alarm? Seriously, Clarity? But now, I'm fully contented because Blake is always

there for me.

Nagbihis na ako ng isang plain white dress at kinuha ang 4 inches heels ko. Sanay naman akong mag-

heels dahil lagi akong naka-heels sa opisina.

Patay. Hindi ko pa pala alam ang idadahilan ko kay Sir Migz kung bakit hindi ako naka-punta sa dinner

date namin kahapon. Lagot na talaga ako nito.

Kinuha ko ang sling bag ko sa kama at agad nang umalis sa bahay.

Clarestine Academy

Tinitigan ko muna ang napaka-taas na gate nang school ni Blake. Grabe, ano kayang height nitong

gate na 'to? Height?

Siguro, isasabay ko nalang si Blake sa pagbisita kay Kuya.

"Ma'am, ano pong kailangan niyo?"

"Labasan na ba ng grade two- Labrefrev?"

Tumingin yung mama sa relo niya at maya-maya ay umiling sa akin, "Mga isang oras pa ho ma'am

bago ang labasan nila."

"Ahhh. Salamat po."

Umupo ako sa isang mga benches at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Ang weird nga ng

pangalan ng section nila Blake. Labrefrev? Base from Blake, Labrefrev is the name of the wildest wolf

in the world. That's insane! Wolves are not true. They're just imagination. They didn't exist.

Nilingon ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng kumpol ng mga lalaki. Base sa mga

pangangatawan nila, mga 30+ na ang age nila pero pagdating sa mukha ay mapagkakamalang

teenager sila.

May tattoo, earrings at kung anu-ano pang mga kagaguhan sa katawan nila. Eh?

Wait, parang si Kuya Kaleb yung isang lalaki! Imposible naman dahil patay na siya pero alam kong sa

sarili ko na siya yun.

Naglakad ako sa mga kumpulan at kinalabit ko yung isang lalaki.

"Yes?"

"K-kuya?"

Biglang nanlaki ang mata niya nang makita ako at biglang hinablot sa kaibigan niya yung scarf at noveldrama

pinang-takip yon sa mukha niya bago nagsitakbuhan.

"K-kuya--"

Hindi ko na sila nakita dahil ang bilis nilang tumakbo. Hindi ako nagkakamali! Si kuya nga yon!

Pero bakit niya ako tinakbuhan?

__________

"Hi ate!"

Sinalubong ko nang yakap si Blake at pinunasan ang pawis niya. Sa mukha ni Blake, hindi nalalayo

ang mukha niya kay kuya Kaleb. Parang pinabata lang ang mukha niya. New Version.

"Blake, punta tayo kay Kuya Kaleb? Bisitahin lang natin siya."

Nanlaki ang mata ni Blake at tumango nalang sa akin. Kinuha ko ang mga gamit niya at nilagay yon sa

backseat ng kotse ko. Pumunta na ako sa driver seat at siya ay sa shotgun seat.

"Nagugutom ka na ba Blake? Anong gusto mong kainin?"

"Wala ate. Busog pa ako."

Tumango nalang ako kay Blake at binuksan ang engine nang sasakyan ko at pinaharurot iyon. Himala,

hindi yata traffic ngayon. Napaka-imposible naman yata.

"Halika na Blake."

Bumaba na kami sa sasakyan at kinuha ko sa compartment ng kotse yung bulaklak na binili ko kanina

at dalawang kandila. Naglakad kami ng mag-kasabay ni Blake. Nang makarating kami sa mismong

puntod ay nilagay ko doon yung bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila.

"Hi kuya! Kamusta ka diyan? Okay ka lang ba?"

Umupo ako sa damuhan at ganun rin ang ginawa ni Blake. Hinaplos ko ang puntod at nakita ko nang

mas malinaw ang pangalan ni Kuya.

"Blake, this is your Kuya. Kuya Kaleb."

Lumapit si Blake sa puntod at biglang naningkit ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kandila at

bigla nalang yong namatay.

"Blake, ba't mo pinatay?"

"Nakita mo bang pinatay ko ate? Nakita mo?"

"H-hindi."

Yumuko ako dahil ramdam ko sa sarili ko na parang hindi si Blake ang kausap ko ngayon. Grrrr! Ba't

wala man lang 'po'? Kainis!

Sinindihan ko nalang ulit yung kandila pero hinawakan ulit yon ni Blake kaya namatay uli. Aba'y

nakakagago na 'tong kapatid ko ahh!

"Blake naman--"

Lumingon ako sa paligid at nakita kong wala na si Blake sa tabi ko! Saan naman 'yon nagpunta? Hindi

niya pa alam ang pasikot-sikot dito sa Klerinety Cemetery! Aish!

"Blakeeee! Nasaan ka?!"

Tumayo ako at nag-lakad-lakad sa paligid at baka sakaling makita ko si Blake pero hindi ko man lang

siya nakita. Nasaan ka na ba baby Blake? Natatakot na ako!

Bigla akong napakislot nang may maramdaman akong gumagalaw sa paanan ko. Tinignan ko yun at

nakakita ako nang white na aso. Shih Tzu.

Kanino naman 'tong asong 'to? Ipapaalaga pa rin ba 'to sa akin? Harujuskoday.

"B-blake---"

Napatigil ako sa paglalakad nang may nahagilap ang aking mata. Isang lalaking nakatayo sa ilalim ng

puno habang nakatalikod sa akin. Naka-jacket siya na kulay black at black pants. What's with black?

Akmang aalis na ako nang marinig kong mag-salita yung lalaking nakatalikod.

"Don't worry about your brother. He's fine. Don't make me angry, Clary. You're only mine and you know

that."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.