Greek 1: The Alpha's Bride

Chapter 6: Kabanata 5



Chapter 6: Kabanata 5

Kabanata 5:

Unang Tagpo

__________

Clarity

"Blake, saan ka ba nanggaling kagabi?! Alam mo bang pinag-alala mo si ate?! Tapos maabutan nalang

kitang nanonood ng Basketball sa bahay! Waaahhh! Sino naghatid sayo?!"

Tinitigan lang ako ni Blake na parang isang baliw na wala sa sariling pag-iisip. Parehas lang ata iyon.

Ngumiwi siya sa akin at binalik ang mga mata sa pinapanood niyang basketball. Aba!

"Blake! Kinakausap pa kita!"

Pinatay ko ang TV at pumwesto sa harap niya. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at pinang-liitan

ko siya nang mata. Parang wala siyang narinig dahil tumayo siya at nag-simulang maglakad.

Aba! Ay Ewan!

_________

"Clarity, patay ka! Ba't ka pa kase umabsent kahapon? Galit na galit si Sir Migz."

Bigla akong natakot dahil sa sinabi sa akin ni Celine. Galit? Hala!? Nag-mukha kayang dragon si sir

kahapon? Patay talaga ako nito. Hindi ko pa siya sinipot sa dinner date namin.

Dumiretso nalang ako sa table ko at nilapag ang mga dala kong gamit. Paano na kaya? Hays.

Paniguradong mawawalan na ako nang trabaho nito.

"Clarity Fuentabella, tinatawag ka ni Sir Miguel."

Napa-angat ako nang tingin nang tawagin ako ng secretary ni Sir Migz. Jusko. Ito na ba ang katapusan

ng trabaho ko? Paano na ang pag-aaral ni Baby Blake? Nako!

Nilunok ko muna ang tubig na ininom ko bago naglakad papunta sa office ni Sir. Baka may dragon na

talaga diyan. Dinosaur perhaps.

Kumatok muna ako sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Sir Migz na

nakatuon ang atensiyon sa mga papel na nasa harap niya.

"S-sir?"

Nag-angat siya ng tingin at tinuro ang silyang nasa harapan niya. Agad akong umupo doon at yumuko.

Ang kapal nang mukha kong pumasok pa dito sa opisina.

"Clarity, pwede mo namang sabihing hindi ka pupunta sa date natin, hindi yung pinaghintay mo pa ako

nang 5 oras sa labas ng bahay niyo. Seriously Clarity?! 8 PM to 1 AM? Nagmukha akong tanga

kakahintay sa'yo tapos hindi mo pala ako sisiputin? What do you think of you Clarity?! You can fool

everytime around!?"

"I'm s-sorry---"

"You're fire!"

_______

Hays. Hindi ko alam kung bakit ako inalis sa trabaho. Hindi sapat na dahilan ang hindi ko pagsipot sa

dinner na sinasabi niya. May matindi pang dahilan. Pero hindi ko alam kung ano yon.

"Bigyan niyo ako ng pinaka-matapang niyong alak. Bilis!"

At nasabi ko na ba sa inyo na nasa bar ako ngayon? Hindi ko alam kung bakit ako nandito, basta dito

lang ako dinala ng mga paa ko.

Ang weird nga ng mga tao dito. Kanina pagpasok ko tinanong nila ang pangalan ko pero nang

malaman nila, lahat sila nagbow sa harap ko. Nag-mistulang buddha tuloy ako kanina.

"Our Luna."

"Our Luna."

"Our Luna."

Mga hinayupak! Sinabing hindi naman kase Luna ang pangalan ko! Sino bang Luna yung tinutukoy

nila?! Yung maiitim na bata na kasing kulay ng uling?! Aba, mukha ngang naka-lunok ako ng libo-

libong glutathione dahil sa puti ng kutis ko tapos tatawagin nila akong Luna?! Hindi makatarungan!

"Luna, baka po magalit ang aming Alpha."

Nag-bow sa akin yung bartender tapos lumayo nang bahagya. Aba, ginagago yata talaga ako nang

mga tao dito! noveldrama

"Niloloko mo ba ako ha?! Sino bang Luna ang tinutukoy mo!? Mukha ba akong maiitim ha?!"

"H-hindi po sa----"

"Huwag ka nang magkaila hoy! Kakasabi mo lang Luna! Anong alpha ang sinasabi mo? Bakit? May

wolf ba dito?! Wolf! They are just your imagination kiddo. They didn't exist. Ikaw ang dapat na tawaging

Luna. Lunatic!"

"P-patawarin mo ako, Luna."

Biglang lumuhod yung lalaki sa akin at paulit-ulit na nag-bow!

"Fuuuu! Inulit mo pa talaga ang pag-tawag sa akin ng Luna! Gusto mo bang luna-hin ko ang mukha

mo?!"

Biglang tumahimik sa loob nang bar kaya napatigil ako sa pagtalak sa bartender. Ba't tumahimik?

Anong meron?

Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naka-hawi lahat ng tao. Ano bang meron? Fashion Show

tapos ako ang judge?

May lalaking naglakad ng dahan-dahan habang naka-yuko. Nang dumaan siya lahat ng tao lumuhod at

yumuko. Wow! Siya na ngayon ang buddha! Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ng suot

niyang hood ang mukha niya.

Mysterious.

Nang makalapit siya sa akin ay dinikit niya ang mga mukha niya sa harap ko. Wala na sa 1 inch ang

layo ng mukha niya sa akin. Centimeter na!

"Hoy! Umurong ka--"

"Clarity, you're mine."

_________

Nagmulat ako nang mga mata at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang kwarto na hindi ko

alam kung saan at kung sino ang may-ari.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at puro kulay pula at itim lamang ang aking makikita.

Ano 'to? Nasaan ako? Ang natatandaan ko lang naman ay ang pagkalasing ko sa isang bar dahil sa

depresyon sa aking trabaho. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito!

Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili ko sa isang mahabang salamin na mas mataas pa yata sa akin.

Nakasuot ako ng puting bestida at hindi ko rin alam kung paano naging kulay pula ang mga buhok ko.

Sa pagkakaalam ko ay itim ang buhok ko dahil sa inaalagaan ko ito at ayokong malagyan ng kung

anong kemikal lamang.

Nakakita ako nang pinto at agad ko iyong binuksan. Tumambad sa akin ang napaka-laking pasilyo at

tanging repleksyon ko lamang sa salamin ang aking nakikita.

Wala akong suot na sapin sa paa at tanging medyas na kulay pula lamang ang suot ko na hanggang

tuhod ko ang haba. Nasaan ba ako? Bakit ganito ang mga suot ko? Ang weird!

Bumaba ako sa napaka-habang hagdan at hindi ko mawari kung may hangganan pa. Pero sa tingin ko

ay meron naman dahil narating ko ang dulo.

Kusina ang nadatnan ko sa ibaba at isang lalaking nakatalikod sa akin. Base sa likod niya ay

mapagkakamalan lang siyang bouncer sa bar dahil sa laki nang katawan niya. Masculine.

"K-kuya..."

Lumingon siya sa akin at biglang ngumiti kaya nakita ko ang mga puting ngipin niya. Ano kayang gamit

niyang toothpaste?

Wow! Pati mukha ang gwapo! Shit bes! Busog na ako. Ang mala-chinito niyang mukha na bumagay sa

dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi. Errrr.

Lumapit siya sa akin at dinikit niya ang mukha niya sa leeg ko kaya napa-kislot ako. Shit! Nakakakiliti!

Tinignan niya ako sa mga mata ko at bumulong nang mga salitang magpapabago sa buhay ko, "You're

only mine! Whatever it takes, you're still mine!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.